**THE DIARY OF THE FAKE PRINCESS**

January 13th, 2005

i'M sick! huhuhu! ;c

Posted by xXYsOXx at 02:47 PM on January 13, 2005.

hindi ako pumasok sa school ngayon. may lagnat kasi ako eh. pero hindi naman malala.. pero, pumayag naman si mama na wag nang pumasok sa school. hehe! kayang kaya naman ng katawan ko pumasok sa school eh pero.. lalang!

bukas sigurado papasok na ko sa school. half day lang! saturday kasi, kuhanan na ng cards! wahhh!!! sana walang bagsak! sana walang bagsak!! sana walang bagsak!!! huhuhu!

baka pumunta nanaman sila yoyie, charry and ebz dito sa bahay kasi half day nga lang bukas. dito sila laging tumatambay sa bahay namin eh. haha! lapit lang kasi sa school!
Currently listening to: Little Wing- The Corrs
Currently reading: Candy Mag- Jan-Feb Issue
Currently feeling: sick

bOiNk! Ü

January 10th, 2005

i want my Layout back, pLease!

Posted by xXYsOXx at 08:10 PM on January 10, 2005.

bakit ganito ang itsura ng tabulas ngayon?! ibang iba na! but i admit its better than before! ayos! but.. WHAT THE HELL HAPPENED TO MY OLD LAYOUT?! my tabulas has a new layout now and i don't like the style.. wahhh! i want my layout back now! huhuhu! nawala pa yung colors sa color scheme! isang color nalang ang nandoon. blue! ba't isa lang?! pero, sabi naman ni ROI, ibabalik daw yun. pero.. infairness! mas maganda ang tabulas ngayon! hindi na siya masyadong complicated gamitin di tulad ng dati!

nakakaantok kanina sa science lab! grabe.. wala pang kuryente sa 5th floor, BPC building! haha! ewan ko ba kung ba't ganon basta! after ng science, math na. habang naglelesson si ms. miranda, laging walang sumasagot sa mga questions niya. hehe! inaantok kasi kami lahat eh.. hay nako! every science time talaga! tulugan na!!!

late na ko nakauwi sa bahay. hinintay ko pa kasi sila yoyie and si charry. may practice kasi sila sa filipino presentation nila eh. buti pa yung group ko, tapos na.. palpak naman! haha! lang kwenta! pero, maayos naman ng KONTI.

ang dami palang assignments ngayon! TLE, filipino, science, math, health.. lahat na yata ng subjects! may ireresearch pa ko.. yung image ng prophase, metaphase, anaphase and telophase.. gash!!! marami pa pala akong gagawin na kung ano ano! pagod!!!
Currently feeling: busy

3 bOiNkZ! Ü

January 9th, 2005

tSuPhEtUh

Posted by xXYsOXx at 02:59 PM on January 9, 2005.

kakauwi ko lang. galing kami ng dad ko sa quiapo para bumili ng blank CD's. tumingin din ng DVD's and CD's.. lahat, CHOOPETA ang nariring kong kanta sa mga stall na nagbebenta ng CD's. mamamamamamayagera! mamayagera! mamayagera mama! yak. hehe! ako, bumili ng bagong casing sa cell ko yung metallic blue ang color and 3 CD's. lalang! daming taooo!!! grabe.. siksikan kanina sa kung saan saang sulok ng quiapo! kahit saan ka magpunta, ang daming tao! fiesta daw kasi sa quiapo ngayon eh.. sabi ng dad ko. haha! kaya naman pala eh! ang init pa sobra!

may pasok nanaman bukas! isang araw lang ang weekend ngayong week. kasi naman yung outreach program na yun. parang nagkaron din ng pasok kahapon.. nagawa ko na ba lahat ng assignments?! ewan..

grabe.. walang magawa dito sa bahay! matutulog nalang ako mamaya buong hapon para masaya.. haha! ayun.. walang ibang magawa kundi matulog, kumain, makinig ng radyo o magpatugtog ng CD, manuod ng TV o DVD, mag-laro ng mga games sa computer o mag-internet magdamag hanggang sumakit na ang mga mata mo at ang likod mo.. kuba ka na. madami naman palang magagawa kaya lang nakakatamad lang talaga.. hay..

nagugutom na ko.. anong oras na ba? wait.. 2:58 pa palang pala.. haha! ba't ganon?! hay.. kala ko mga 5 na.. hehe!

bOiNk! Ü

January 8th, 2005

Outreach Program Ü

Posted by xXYsOXx at 05:33 PM on January 8, 2005.

masaya naman pala yung outreach program kanina kahit papano eh.. nakakatuwa panoorin yung mga deaf and mute. nakakaTUWA ha. hindi nakakaTAWA. ok.. nakipagusap pa kami sa mga deaf and mute using a paper and a ballpen, ofcourse. they taught us how to say "goodmorning", "goodafternoon", "thank you" and "welcome"
..haha! antok na antok talaga ako kanina habang nagmamass kasi kulang ako sa tulog. we ate at mc donalds for lunch. charry and i had no money so yoyie lend us P50 each para may makain kami. dami pera! actually, i wasn't planning to have lunch at mc donalds. i was supposed to have lunch at home. but.. hMmM.. bakit nga ba? buti nalang maraming pera si yoyie.. hehe!

maya-maya, pupunta kami sa robinsons. wala lang. may titingnan daw si daddy na bagong cellphone model. si mommy naman, may titingnan sa marks and spencer. ako? bahala na. mag-iipon muna ako ng pera kasi im broke.. haha! kawawa.. ok.. gotta go now! aalis na daw kami. magbibihis pa ako eh. hehe!

bOiNk! Ü

January 7th, 2005

uHm.. ???

Posted by xXYsOXx at 07:23 PM on January 7, 2005.

finals kanina ng battle of the bands & dancefest haha! walang religion kanina at half of the time lang ang math! wala pa ang teacher.. saya! pero may seatwork naman na pinagawa.. pero ok lang yun kasi madali lang naman yung lesson na yun eh.. ang sakit ng tiyan ko sa gym kanina habang nanonood. kumain naman ako ng lunch?! hanggang ngayon nga, masakit parin eh. hay.. bahala na.. hehe!

bukas, may outreach program kami. pupunta pa ko sa church ng school bukas! naman oh! nakakatamad! saturday na nga lang, pupunta pa ng school. kaya nga weekend eh. para magpahinga.. haha! ay.. may ireresearch pa pala ako para sa TLE.. yung lyrics ng A Friend. sino ba kumanta nun?! keno? kino? tinanong ko mama ko kanina kung may kilala ba syang keno or kino. sabi niya Keno Padilla daw?! or kino ba ang pagpronounce nun. who the hell?! ay.. gino padilla daw pala yun hindi keno padilla. at sino naman yun?! ay ewan.. wala akong mahanap na lyrics nyan sa internet! bahala na si batman..

bOiNk! Ü

« | »